Iriga: Pagbibigay-Diin sa Ligtas ng Pagmamaneho, Isinagawa sa PICE ng Tabaco CPS

    0
    5

    Tabaco City, Albay – Ngayong ika-5 ng Abril 2026, nagsagawa si PLTCOL VIRGIL B. BIBAT, Chief of Police, ng Police Information and Continuing Education (PICE) kung saan pinaalalahanan niya ang mga patrol personnel ng Tabaco City Police Station, partikular ang mga itinalagang driver ng Mobile Patrol Unit, na mahigpit na sundin ang mga safety measures sa pagmamaneho.

    Binigyang-diin ni PLTCOL BIBAT ang kahalagahan ng disiplina at responsibilidad ng bawat driver, lalo na sa panahon ng pinaigting na operasyon ng kapulisan. Kanyang ipinakilala at ipinaliwanag ang acronym na “BLOWBAGETS” bilang gabay sa wastong inspeksyon ng sasakyan at ligtas na pagmamaneho, na sumasaklaw sa mahahalagang safety checks bago ang deployment.

    Higit ding binigyang-pansin ang “SELF” na bahagi ng BLOWBAGETS, na tumutukoy sa kahalagahan ng self-discipline at self-awareness ng mga driver. Ayon kay PLTCOL BIBAT, ang pagkakaroon ng sapat na pokus, presensya ng isip, at personal na pananagutan habang nasa tungkulin ay mahalaga upang maiwasan ang aksidente at matiyak ang kaligtasan ng kapwa kapulisan at ng publiko.

    Patuloy na nagsasagawa ang Tabaco CPS ng mga ganitong aktibidad upang mapataas ang antas ng kahandaan at propesyonalismo ng kanilang hanay, kasabay ng pagpapanatili ng kaligtasan sa lansangan.

    Source: Tabaco CPS

    Leave a Reply