Tuesday, June 18, 2024

Iriga: Pagbakuna Sa 12 Hanggang 17-Anyos Aarangkada Na Sa 2 Lungsod Sa Bicol

- Advertisement -

Iriga City – Sisimulan na sa dalawang malaking lungsod sa Bicol region ang pagbakuna laban sa COVID-19 sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 anyos.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa lungsod ng Legazpi, kahapon pa sana ito sisimulan ayon sa kanilang alkalde pero naantala dahil sa pag-arangkada na rin ng childhood immunization ng DOH laban sa measles rubella, tetanus and diphtheria at HPV.

Pero Oras umanong matapos ang naturang aktibidad ay agad ding sisimulan ang pagbakuna sa pediatric population laban sa COVID-19 gamit ang Pfizer vaccine. Samantala, aarangkada na rin sa lungsod ng Naga ang pagbakuna sa nasabing age group bukas, Nobyembre 5.

Ayon kay Naga City Health Officer Butch Borja, uunahin nila sa pagbakuna ang mga kabataang may karamdaman o comorbidities alinsunod sa kautusan ng Department of Health. Pero kahit hindi kabilang sa A3 pwede na rin umanong bakunahan kung gusto na ng mga ito at ng kanilang mga magulang.

Kailangan ding bakunado ang mga magulang na sasama sa mga ito at maging ang mag-aasiste sa vaccination. Mababatid na una nang inihayag ng DOH na hindi maaaring makapagsimula ng pagbakuna sa pediatric population sa Bicol kung hindi pa mababakunahan ang 50% ng mga nasa A2 priority groups.

(Source: Reports from BNFM Legazpi & Naga)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -