Iriga: Ordinansa para sa Kadiwa ng Pangulo sa Oas, aprubado na ng Albay Sanggunian

0
8

Pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang Municipal Ordinance No. 05, Series of 2026 na naglalayong i-institutionalize ang operasyon ng Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA) ng Pangulo sa bayan ng Oas.

Ayon sa Committee on Agriculture and Fisheries, dumaan ang ordinansa sa masusing rebyu upang matiyak na naka-angkla ito sa General Welfare Clause ng Local Government Code at DILG Memorandum Circular No. 2024-003.

Layunin ng ordinansa na maglaan ng permanenteng programa para sa direktang bentahan ng mga agricultural products tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan.

Ito ay para mapabilis ang daloy ng kalakal, maibaba ang presyo ng bilihin sa pamamagitan ng pag-alis ng mga middle men, at matiyak ang mas mataas na kita para sa mga lokal na prodyuser.

Ayon kay 3rd District Board Member Wilfredo V. Maronilla, Chairperson ng komite, ang inisyatibong ito ay bahagi ng prayoridad ng Pamahalaang Lokal upang palakasin ang sektor ng agrikultura at matiyak ang sapat at abot-kayang suplay ng pagkain para sa bawat Albayano.

Source: Albay PIO

Leave a Reply