26 C
Manila
Sunday, December 3, 2023

Iriga: NIA Region V, pinangunahan ang re-energization ceremony ng New Massba Pump Irrigation System sa Minalabac, Camarines Sur

- Advertisement -

Matagumpay na isinagawa ang Re-energization o pagbabalik ng supply ng kuryente ng New Massba Multipurpose Cooperative (NMMPC), na pinamumunuan ni Chairman Jesus S. Privaldos, kahapon, Nobyembre 17, 2023 sa kanilang opisina sa Sagrada Familia, Minalabac Camarines Sur.

Panauhing pandangal si NIA R5 Regional Manager Gaudencio M. De Vera na kinatawan ni Mr. Ed Yu, NIA R5 Admin Head, kasama sina Engr. Emma A. Manlangit, NIA R5 Operations Section Head, Engr. Eduardo  A. Balondo, NIA R5 Equipment Section Chief, Atty. Karen N. Alferez, NIA R5- Atty. IV, Engr. Seema S. Gonzaga, Engineering and Operations Section Head ng CamSur IMO, Engr. Wilson Narvasa, District Head ng Libmanan-Cabusao Pump Irrigation Sytem o LCPIS na syang nakakasakop sa nasabing IA-Cooperative.

Mula noong May 8, 2023 ay naputulan ng kuryente ang nasabing kooperatiba dahil sa pagkakaroon ng mahigit kumulang P9M na pagkakautang, dahilan upang  mahinto ang pagsasaka ng mga myembro nito.

Sa pamamagitan ng NIA Bicol na pinamumunuan ni Engr. De Vera at sa walang tigil na suporta ni NIA Acting Administrator Engr. Eddie G. Guillen, naging matagumpay ang pakikipag ugnayan sa Camarines Sur Electric Cooperative II, na pinamumunuan ni Acting Regional Manager Engr. Edgardo R. Pia Monte, at ni BOD William D. Basmayor, bilang kinatawan ng CASURECO II Minalabac District, upang maging maayos at magaan ang paraan ng pagbabayad ng grupo upang maipagpatuloy ang suplay ng serbisyong patubig na kinakailangan sa pagsasaka.  

Kasalukuyang binubuo ng humigit kumulang 800 na farmer-beneficiaries at tinatayang nasa 470 hectares na irrigated area, ang NMMPC ay ginawaran ng Electric Powered Irrigation Facility noong taong 1980 sa ilalim ng programang Bicol Integrated Area Development II sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. Sa loob ng mahigit 40 taon, naging malaking tulong ang pasilidad para makapagbigay buhay sa kanilang lupang sinasaka.

Kabilang rin sa mga dumalo ang mga kinatawan ng CASURECO II, Department of Agriculture (DA) Regional Field Office V, Department of Agrarian Reform (DAR), Federation of Agriculture Cooperative in Camarines Sur, at iba pang grupong patuloy ang pagtulong sa mga magsasaka sa Bicol.

(Source: Press Release NIA Bicol Region V)

 

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -