Baguio: Isang aksidente ng sasakyan nangyari sa National Road, Barangay Lacnog East, Tabuk City, Kalinga; Isa patay at tatlo sugatan

0
33

Tabuk City – Isa ang patay, at tatlo ang sugutan nang sumalpok ang motorsiklo sa isang Victory liner sleeper bus sa Tabuk City, Kalinga. Ayon sa ulat ng Tabuk City Police Station, isang motorsiklo na may plaka na AR 3404 na minamaneho ni Ginoong Daniel Alos, 46 taong gulang, isang mangangaral ng simbahang Pentecostal at naninirahan sa Dananao, Lacnog ang bumangga diumano sa isang Victory Liner sleeper bus.

Sinabi ng ulat na ang naturang bus ay minamaneho ng isang nagngangalang Diosdado Ortiz Valdez, 48 anos, may asawa at isang residente ng lungsod ng Quezon. Noong mangyari ang naturang insidente ay kasama ni ginoong Alos ang kanyang maybahay na si Joy Balwog Alos, 49-anos, residente ng Dananao, Lacnog, at ang kanilang dalawang anak na si Daniel Balwog Alos Jr., 8-taong gulang at si Kristine Balwog Alos, 10-taong gulang.

Ayon pa sa ulat, ang driver ng bus ang nagsabi na siya ay nagbabayahe mula sa Bulanao, Tabuk City papuntang Cubao, Quezon City noong mangyari ang naturang insidente. 

Ayon sa kanya, tinangka niyang iovertake ang naturang motorsiklo sa National Road, sa kahabaan ng Dananao, Lacnog, ngunit ang motor ay gumawa ng pagikot pakaliwa, at sa ganong pagkakataon hindi na nagawa ng bus na magpreno.  Ito ay nagresulta sa pagkabangga ng motor, na humantong sa driver at mga nakasakay nito na tumilapon sa sementong kalsada. 

Agad namang dinala ng mga nagresponde sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima ngunit si ginang Joy Balwog Alos, na isa sa nakasakay sa motor ay binawian ng buhay dahil sa tinamo nitong sugat sa upo o head injury. Habang si Ginoong Alos ay nasa mabuti itong kalagayan ngunit nasa ilalim pa rin ng pagmamatyag habang isinusulat ang balitang ito.

Ang kanilang mga anak na si Kristine at Daniel Alos Jr. ay nagtamo ng gasgas at kapwa nasa magandang kondisyon sa Mija Kim District Hospital.

Samantala ang Victory Liner sleeper bus ay dinala na sa Camp Juan M. Duyan Police Headquarters at ang driber nito ay nasa kustodiya na ng Tabuk City Police Station sandaling ibinabalita ito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Victory Liner)

 

Leave a Reply