Iriga: Naga CPO, Dumalo sa Press Conference ng Lokal ng Pamahalaan ng Naga

0
4

Dumalo si PCOL RIZALDY L CABALLERO, Acting City Director ng Naga City Police Office, sa isinagawang Press Conference ng Lokal na Pamahalaan ng Naga na ginanap sa Office of the City Mayor. Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ni Atty. Maria Leonor Gerona Robredo, City Mayor, kasama si Hon. Ramon Melvin “Omar” G. Buenafe, City Councilor.

Sa naturang press conference, tinalakay ang mahahalagang programa, proyekto, at mga kasalukuyang usapin na may kaugnayan sa kapakanan, kaligtasan, at kaayusan ng mga mamamayan ng Naga City. Naging pagkakataon din ito upang mapalakas ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan, kapulisan, at media sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PCOL RIZALDY L CABALLERO ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng bawat mamamayan sa kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. Hinikayat niya ang publiko na maging mapagmatyag, makiisa sa mga programa ng pulisya, at agad na ipagbigay-alam ang anumang kahina-hinalang aktibidad o insidente sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Ayon kay PCOL RIZALDY L CABALLERO, ang kaligtasan at seguridad ng Naga City ay isang pananagutang pinagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at buong komunidad. Sa patuloy na pagtutulungan at pakikiisa ng lahat, mas mapagtitibay ang isang ligtas, maayos, at mapayapang Naga City.

Source: PNP Naga City Office

Leave a Reply