Iriga: Midyear Bonus, natanggap na ang Kasurog COPS

0
13

Camp Simeon A Ola, Legazpi City – Matagumpay na natanggap ng mga Kasurog Cops ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang kanilang midyear bonus ngayong buwan ng Mayo alinsunod sa kautusan ng Department of Budget and Management (DBM) at direktiba ng liderato ng Philippine National Police (PNP).

Sa pamumuno ni PBGEN ANDRE P DIZON, Regional Director ng PRO5, tiniyak ng pamunuan ng rehiyon na maayos at maagap na naiproseso ang pagbibigay ng midyear bonus sa lahat ng kwalipikadong uniformed at non-uniformed personnel ng PRO5.

Ang nasabing bonus ay katumbas ng isang buwang basic salary at bahagi ng taunang benepisyong ibinibigay sa mga kawani ng pamahalaan na may hindi bababa sa apat na buwang serbisyo mula Hulyo ng nakaraang taon at may katanggap-tanggap na performance rating.

Ang pagbibigay ng midyear bonus ay bahagi ng patuloy na pagkilala ng pamahalaan sa dedikasyon at tapat na paglilingkod ng bawat kawani ng PNP sa kanilang tungkulin bilang tagapangalaga ng kapayapaan at kaayusan.

Patuloy ang PRO5 sa pagsusumikap na maitaguyod ang kapakanan at morale ng mga Kasurog Cops upang higit pa silang maging Approachable, Presentable, at Dependable sa kanilang paglilingkod sa sambayanang Bicolano.

Source: PNP Kasurog Bicol

Leave a Reply