Iriga: Mga personahe ng Pantao Port, iminungkahing dumaan sa fire training

0
5

Iminungkahi ni Albay Provincial Administrator Dr. Cedric D. Daep na isailalim ang mga personahe ng Panto Port sa fire training.

Layunin aniya nito na paghandaan ang pormal na pagbubukas at operasyon ng naturang pantalan bilang pagtalima na rin sa mga kinakailangang personnel training na nakapaloob sa regulasyon ng Philippine Ports Authority (PPA).

Ang naturang suhestiyon ay kasunod ng naging pagpupulong ng Technical Working Group (TWG) hinggil sa status ng port, compliance sa mga kinakailangang dokumento, gusali, power, at water supply compliance nito.

Ayon kay Daep, ang mga security personnel ay dapat sumailalim sa tamang paggamit ng fire extinguisher at pag-apula ng sunog kung sakaling magkaroon ng emerhensiya.

Para maisagawa ito, kinakailangan umanong mag-request sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng trainor o resource person upang magkaroon ng certification o patunay na nagkaroon ang mga personahe ng Pantao Port ng hands-on training.

Layunin ng naturang suhestyon at pagsasanay na matiyak ang kaligtasan ng mga byahero at mga dadaong sa naturang pantalan.

Source: Albay PIO

Leave a Reply