28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Iriga: Mga nanalong kandidato ng Naga City, iprinoklama na; straight win nakuha ng grupo ni re-electionist Mayor Nelson Legacion

- Advertisement -

Nakamit ng team NagaNa ang kanilang tagline na “Ubos kung ubos, gabos kung gabos” matapos na manalo ang buong line-up simula sa alkalde hanggang sa sampung konsehal.

Visit RPN DZKI Iriga

Iprinoklama si Mayor Nelson Legacion at re-electionist Vice Mayor Cecilia de Asis alas dos y medya ngayong hapon.

Nakuha ni Legacion ang 41,606 na boto, malayo mula sa sumusunod na kandidatong si Tato Mendoza na nakakuha ng 11,482. Pumangatlo naman si Atty. John Bongat na nakakuha ng 16,858 na boto.

Si Bongat at Legacion ay dating magkaalyado. Si Legacion ang bise alkalde ni Bongat noong nakaupo ito bilang alkalde ng lungsod.

Marami ang nag-akala na baka hindi makamit ang tagline na ubos kung ubos ngayong halalan dahil sa pagtakbo ni Bongat. Panahon pa ng yumaong si Secretary Jesse Robredo nang magsimula ang straight win ng kanilang grupo tuwing halalan.

(Source: Bicol PH)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -