Iriga: Plaza Rizal sa Naga City, puno ng mga kabataan para i-protesta ang nangyaring halalan

0
221

Bitbit ng mga kabataan na sumali sa protesta ang ang mga placards para ihayag ang kanilang mga saloobin patungkol sa resultang  ipinalabas ng COMELEC lalo na sa para sa mga nasyunal na mga posisyon.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Khryss Arañas, Regional Chairperson ng Jovenes Anakbayan, nais nilang ipaabot ang pagkondena sa resulta ng halalan ngayong 2022 at iba pang human rights violation na nangyari noon paman.

“Ang pangunahin po naming panagawan itinatakwil namin ang Marcos-Duterte sa Halalan 2022  at lampas pa sa eleksyon dahil hindi namin hahayaan na masira ang intergridad nating mga voters. Lantaran po bago mageleksyon naroon na ang harrasment sa mga supporters ng oposisyon nandyan po ang red tagging ang pang aaresto sa mga progresibong kampanyador at pamamaslang at kung ano ano pang atake ng estado upang manatili sila sa posisyon.”

“Binabantayan natin ang boto may mga poll watchers tayo sa ating mga kandidato nangamba ako  dahil naranasan ko ki Duterte ang matinding atake sa mga aktibista, paano pa kaya sa pananatili nila sa posisyon lalo pa nagsama ang mga Marcoses at Duterte na may mahabang listahan ng paglabag sa karapatang pantao.”

Nakiisa rin ang 19 anyos na si Lance Cedrick Eleazar sa protesta dahil nadismaya umano siya sa resulta na ipinalabas ng COMELEC at naniniwala siyang ito ay electoral fraud.

“Nung una ko pong paguwi at nakita ko ang resulta ng Comelec sa eleksyon na disheartened  dahil nakita  ko po over the past few months sa effort na binigay ng mga Pilipino.”

Kailangan raw na sumali sa mga pagkilos para ipakita sa sambayanang Pilipino na hindi na muling magpapauto sa mga Marcoses at Duterte

“Yung mga lumalabas po yung mga ebedinsya sa sabihin na natin na electoral fraud jan po ay lumakas yung galit ko sa administrasyon natin ngayon.”

Ayon pa sa grupong Anakbayan Jovenes, simula pa lamang ang hakbang na ito para sa mga susunod pang protesta. I via Ruth Daphne Prila and Cleo Jean de Chavez.

(Source: Bicol PH)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here