Upang masigurong makararating na ang serbisyong patubig sa tinatayang 262.74 na ektarya ng sakahan sa Brgy. Napilihan sa bayan ng Vinzons, layon ng NIA Camarines Norte Irrigation Management Office (CNIMO) na mas palawakin pa ang Daet-Talisay River Irrigation System (DTRIS).
Kaugnay nito, nagsagawa ng Information Education Campaign at Disclosure of Land Acquisition and Resettlement Plan (LARP) ang nasabing opisina upang talakayin sa mga maaapektuhang landowner ang kahalagahan gayundin ang benepisyong maidudulot ng proyekto. Tinalakay rin sa pagpupulong ang maaaring pangunahing bayad ng ahensya sa maaapektuhang bahagi ng lupain at mga produkto nito.
Tinalakay din ni NIA Region V Legal Researcher, Ms. Ma. Annellie Laynes ang proseso ng Right-of-Way Acquisition (ROWA) sa mga dumalo.
Kasalukuyang nasa detailed engineering phase ang NIA CNIMO para sa DTRIS Extension Project.
Ang mga suhestiyon at opinyon ng mga landowner sa ginawang talakayan ay makatutulong para sa mas epektibong pagpapatupad ng proyekto na magbibigay ng sapat na patubig sa nasa 96 na mga magsasaka sa lugar.
Source: NIA Region V Bicol
