Kumpiyansa ang Pamahalaang Lokal ng Albay na magbubunga ng mas marami pang investment opportunities at trabaho para sa mga Albayano sakaling mapabilang sa Seal of Good Local Governance (SGLG) awardee ang lalawigan.
Ayon kay Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC) Arnold C. Onrubia matapos ang national validation ng SGLG kahapon, malaki aniya ang potensiyal at oportunidad na naghihintay sa mga Albayano oras na magtagumpay ang lalawigan sa nasabing parangal.
“Kapag awardee ang Albay ng SGLG, it’s a testament that Albay has a good governance and it will increase our credibility as a local government unit and when that happens, investors will come in, investments will come in, and there will be jobs, opportunities,” saad ni Onrubia.
Dagdag pa nito, ang pormal na pagtatalaga bilang SGLG awardee ay hindi lang simpleng basehan ng pagiging compliant ng lalawigan sa hinihingi ng naturang parangal kundi isang batayan ng patuloy na pagtataguyod nito ng mabuting serbisyo-publiko.
“Andito na tayo ngayon, we will face the 10 indicators, na talagang sasagutan natin, we will show to them the necessary documents, and complaince, and we will show to the national evaluators that Albay is ready for good governance,” dagdag pa ng opisyal.
Dumaan sa masusing balidasyon ang Albay kung saan sinuri ang lebel ng compliance nito sa sampung governance areas o indicators na kinabibilangan ng financial administration and sustainability, disaster preparedness, business-friendliness and competitiveness, safety, peace and order, social protection and sensitivity, health compliance and responsiveness, youth development, sustainable education, environmental management, at tourism, heritage development, culture and arts.
(Source: Albay PIO)