Nagtipon kahapon ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) para sa kanilang 3rd Quarter Full Council meeting.
Ginanap ito ala 1:00 ng hapon sa Pavilion 4, Marison Hotel, Gogon, Legazpi City.
Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang mga ginagawang paghahanda at mga aktibidad may kinalaman sa mga inaasahang sama ng panahon sa mga susunod na linggo o buwan ng mga concerned agencies, gayundin ang naging epekto ng nagdaang TD (bagyong) Enteng sa lalawigan.
Nagbigay rin ng weather outlook para sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre at Mayon Volcano update at ang posibleng banta ng lahar sa mga pamilyang nasa dalisdis ng bulkan lalo na kung makaranas ng patuloy na pag-ulan ang Albay sa mga susunod na araw.
(Source: Albay PIO)