Iriga: Magkaibigan, arestado sa ikinasang gun buy-bust operation ng Baao PNP

0
9

Arestado ang dalawang magkaibigan sa ikinasang buy-bust operation for Violation of RA 10591 ng mga operatiba ng Baao PNP sa Zone 2, Brgy. San Juan Baao Camarines Sur.

Dakong 6:50 ng gabi sa nasambit na barangay, arestado ang mga suspek na sina AKA “AYKEE”, 29 taong gulang, binata, construction worker, residente ng Zone-1 Brgy Bagumbayan Baao Camarines Sur at AKA “RODEL”, 41 taong gulang, laborer, residente ng Brgy Sta. Cruz Baao Camarines Sur, matapos na ang mga ito ay maaktuhang nagbebenta ng hindi lisensyadong baril na Cal. 45 Model 1911-A1 with trademark Springfield Armory Geneseo IL. USA na may inserted stainless magazine (buy-bust item) sa isang operatibang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska mula kay AKA “AYKEE” ang isang (1) sling bag na may lamang three thousand pesos (P3,000.00) na nagsilbing buy-bust money at nakumpiska naman kay AKA “RODEL ang isang piraso (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu na tinatayang may timbang na 0.5 gramo, o may street value na nagkakahalaga ng (P3,400.00) pesos.

Sa kasalukuyan ang mga arestadong suspek ay nasa pangangalaga na ng Baao Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kasong paglabag ng RA 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa RA 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Act laban sa mga suspek. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Baao MPS Csppo, photos credits to the owners)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here