Iriga: Mag-asawa, arestado sa paglabag sa PD 1602 (Sakla)

0
10

Hindi na nakapalag pa si aka Elsa, 60 taoang gulang at kanyang asawa na si aka Miguel, 63 taong gulang, mga residente ng Brgy Buluang Baao Camarines Sur matapos sila ay maaktuhan na nagpapataya sa sugal na “Sakla” sa sitio Banao, Brgy. Caranday, Baao, Camarines Sur.

Nakatanggap ng sumbong ang Baao Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen tungkol sa iligal na pasugalan ng mag-asawa sa nasabing barangay.

Kaya naman, bandang 10:40 ng gabi ng Mayo 17, 2023, nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Baao MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMaj. Dennis G. Quindara, OIC, na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa kanila ang mga baraha (playing cards), wooden folding board (dyado), at pusta (money bet) na nagkakahalaga ng Six Thousand Two Hundred Forty Pesos (Php6,240.00).

Ang mga suspek ay inaresto at binasahan ng kanilang mga karapatan na naayon sa Saligan Batas at kasalukuyang nasa kostudiya ng Baao Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.  (Jv Navarro Verdeflor Jr. Baao MPS Csppo, photo credits to the owner)

Leave a Reply