Iriga: LTO Bicol, mas pinaigting na roadside operations para sa ligtas at disiplinadong pagmamaneho

0
7

Hindi tumitigil ang LTO Bicol sa pagpapatupad ng mahigpit na roadside inspections bilang bahagi ng kampanya kontra sa mga paglabag sa batas-trapiko.

Kamakailan, ilang motorista ang pinayuhan at inisyuhan ng ticket dahil sa kawalan ng lisensya, expired na rehistro, hindi pagsusuot ng helmet at mga kolorum na sasakyan.

Muli, pinapaalala ng LTO Bicol, ang pagsunod sa batas-trapiko ay hindi opsyonal, ito ay responsibilidad ng bawat motorista.

Layunin ng mga operasyong ito na hindi lamang magpatupad ng batas, kundi magpaalala rin ng kahalagahan ng disiplina at tamang asal sa kalsada.

Source: LTO Bicol

Leave a Reply