Iriga: Libreng School Supplies, Ipinamahagi sa mga mag-aaral sa buong lalawigan ng Sorsogon sa pagbubukas ng klase

0
2

Kasabay ng pormal na pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ng sabayang pamamahagi ng mga kagamitang pang-eskwela sa iba’t ibang paaralan sa buong lalawigan upang matiyak na handa ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa silid aralan.

Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor ang distribution ng mga school supplies sa ilang paaralan na kanyang personal na binisita sa unang araw ng klase kasabay ng pag-iikot din ng mga empleyado ng kapitolyo upang mamahagi ng mga gamit.

Kabilang sa mga ipinamahaging kagamitan ang mga notebook, school bag, school cap, payong, at iba pang mahahalagang gamit na kailangan ng mga mag aaral mula elementary hanggang high school.

Ayon sa gobernador, layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga magulang sa pagbubukas ng klase at masiguro na walang batang mahuhuli sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng mga pangunahing kagamitan sa paaralan.

Ang pamamahagi ng school supplies ay bahagi ng 7K Kadunungan Program, isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon ni Governor Boboy na nakatuon sa pagpapalawak ng access sa edukasyon at pagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral sa buong lalawigan. Isinasagawa rin ito sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ng mga bayan at lungsod sa Sorsogon upang mas maraming kabataan ang mabigyan ng benepisyo.

Source: Sorsogon PIO

Leave a Reply