Iriga: Lalaking Hubo’t Hubad Nagpaandar ng Jeep Resulta na Mabangga ang isang Motorsiklo

0
0

Isang lalaking hubo’t hubad na pinaniniwalaang wala sa tamang pag iisip ang nagdulot ng aksidente ngayong hapon malapit sa Old Pagibig Blg. Concepcion Pequeña, Naga City.

Ayon sa panayam sa nakasaksi sa insidente, bigla umano itong sumakay sa nakaparadang jeep at pinaandar ito. Nagresulta upang mabangga ang isang motorsiklo habang may iba pang nadamay na sasakyan.

May mga pulis na sa lugar ngunit hindi parin napabababa sa jeep ang naturang lalaki.

Samantala patuloy na iniimbistigahan ang insidente at hindi naman pinangalanan ang nasabi nang hubo’t hubad na lalaki ng mga autoridad.

(Jv Navarro Verdeflor Jr.)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here