Baguio: Sekuridad at katatagan ang isang nakikita sa pagsara ng runway sa Loakan Airport

0
1

(RPN-Baguio) Katatagan at Sekuridad  ang kunahan sa pagkakasara ng runway ng  Loakan airport mula sa publiko. “Hindi dapat malagay sa kompromiso ang katatagan at ang sekuridad.  Ito ang sagot ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga naninirahan na malapit sa Loakan Airport na nagrereklamo sa pagsasara ng runway mula sa mga tao at lahat ng sasakyan.

Matatandaan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nagbawal ng human at vehicular traffic na dumaan sa runway sa muling pagbabalik ng commercial flights sa pamamagitan ng Philippine Airlines na nag umpisa noong  December 16, 2022.

Humiling ang mayor ng pang unawa mula apektadong  mga residente kasabay ng paliwanag ng CAAP na mananatiling may kaugnayang sa katatagan at sekuridad ang operasyon ng naturang paliparan.

Ayon sa  CAAP kinakailangan manatili sa 75 metro ang buffer zone. Isa pa sa mga isyu ay ang mga sasakyan na tumatawid sa airstrip na possible makaiwan ng bagay na magbigbigay komromiso sa mga gulong ng eroplano na maaring humantong sa aksidente.

Samantala, hangad ng Baguio City Police Office, City Tourism Office at ng Traffic and Transportation Management Division ng City Engineering Office na mai-adjust ang paraan sa transportasyon upang masigurado ang magandang takbo ng trapiko sa pagpasok at paglabas ng Loakan Airport kasama ang ibang kalapit na kalsada.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Source/Photo Credit: LGU Baguio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here