Iriga: Konstruksyon ng Albay Young Farmers Hub magsisimula na

0
7

CAMALIG, ALBAY – Magsisimula na ang pagpapatayo ng 100 metro kwadradong Young Farmers Hub ng Albay Young Farmers Organization (AYFO), Inc. na nabigyan ng P3.5M Business Development Assistance ng Department of Agriculture sa ilalim ng Young Farmers Challenge Program.

Ayon kay Joshua Barcelon Executive Director ng AYFO, Inc. ang itatayong pasilidad ay magsisilbing training hall, processing at packaging center at showcase area ng mga produkto ng mga myembro ng asosasyon na nanalo na sa Young Farmers Challenge.

Magsisilbi din itong common shared service facilities para sa produksyon, pagproceso at mga gawaing makatapos ani ng iba’t-ibang produkto.

Sa mahigit 2,000 myembrong Kabataan ng asosasyon, 52 kabataan na kabilang sa Young Farmers Challenge at may mga nabuo nang negosyo ang makikinabang sa ipapatayong hub.

Dumalo sa groundbreaking ceremony sila Albay Governor Noel E. Rosal; DA Bicol Agribusiness and Marketing Assistance Division OIC Chief, Engr. Luisito R. Baltazar at Agricultural Training Institute (ATI) RTC 5 Center Director Elsa A. Parot (L. Guarin)

Source: DA Bicol Region

Leave a Reply