Iriga: Kasong paglabag sa PD 1602 (illegal na sabong o tupada), arestado

0
148

Huli sa akto ang dalawang suspek na lalake na parehas na nasa legal na edad, residente ng Barangay San Agustin, Iriga City at Barangay San Juan, Baao, Camarines Sur.

Matapos na magsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation ang PNP Baao sa pamumuno ni PMAJ. DENNIS G. QUINDARA, OIC kasama ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC).

Dakong 11:00 AM kahapon, May 14, 2023, matapos na maabutan ng mga operatiba sa isang bakanteng lote sa Zona 2, Barangay San Juan, Baao, Camarines Sur habang ang ibang kasama ng mga suspek ay nagawa pang makatakas.

Ang mga ebidensyang nakuha tulad ng (2) dalawang manok na panabong, tari at halagang 400 pesos na ginamit sa nasabing sugal at (2) dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng Baao PNP para sa kaukulang disposisyon. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Baao MPS)

Leave a Reply