Baguio: Kaso ng teenage pregnancy sa probinsiya ng Benguet tumaas noong 2022

0
178

La Trinidad, Benguet – Tumaas ang kaso ng teenage pregnancy sa probinsia ng Benguet noong 2022 o sa panahon na unti unti ang pagluluwag ng mga restrictions sa pandemya.

Batay sa datus ng Benguet Provincial Health Office, noong 2020 ay nakapagtala sila ng 361 na kaso ng panganganak sa mga edad ng 10 hangang 19 na taong gulang na nanay kung saan ay bumaba ito noong 2021 ng 210 ngunit tumaas muli ng 286 noong 2022.

Noong nakaraang taon, sa buong probinsia ang pinakamataas ay ang La Trinidad nakapagtala ng 182 na kaso, sinundan ito ng Atok na 34 at ng Buguias na 29.

Samantala, sinabi ni Mary Ann Adanglao, ang Population Program Worker II at Designate Adolescent program coordinator ng Provincial Health Office ng probinsiya ng Benguet, ang mga batang ina ay biktima ng panggagahasa habang ang iba ay maagang nagkaroon ng relasyon.  Kanyang idinagdag na ang mga epekto ng maagang pagkabuntis ay ang paghinto sa pag aaral, maternal death, problema sa kalusugan at iba pa.

Binigyang diin ni Adanglao ang kahalagahan ng mga magulang sa pamamatnubay at pagbabantay sa kanilang mga anak upang sa ganon ay maiwasan ng mga ito ang paggawa ng di kanaisnais. (Joel Cervantes, photo courtesy by Thess Gonzales)

Leave a Reply