Iriga: Kapulisan ng San Andres MPS, nagsasagawa na ng paghahanda para sa Bagyong Pepito

    0
    13
    photo courtesy of Catanduanes PPO

    San Andres, Catanduanes – Ika-14 ng Nobyembre, sa papalapit na pagpasok ng Bagyong “Pepito” (Man-yi) sa Philippine Area of Responsibility (PAR), nagsimula na ang mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT FRANCIS T TABO I, ACOP, sa kanilang mga paghahanda.

    Katuwang ng kapulisan ang Lokal na Pamahalaan, sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na pinamumunuan ni Mr. Jeremy Manlangit, at aktibo rin ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard.

    Nag-ikot ang kapulisan sa mga coastal barangay upang muling ipaalala sa publiko ang pag-iingat at kahandaan sa paparating na bagyo.

    Kasama sa mga hakbang ang pagpapatupad ng “No Sail Policy,” kung saan binalaan ang mga mangingisda na huwag nang pumalaot upang maiwasan ang posibleng panganib.

    Pinayuhan din ng kapulisan ang mga residente na iwasan ang paliligo sa dagat, lalo na ang mga kabataan, dahil mahigpit na ipinagbabawal ito.

    Pinaalalahanan din ang mga residente na nasa mga delikadong lugar katulad ng “landslide area” at mga lugar na binabaha na magsilikas bago pa man dumating ang bagyo.

    Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng pagsusumikap upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

    Muling nanawagan si PCPT TABO sa publiko na maging handa sa paparating na bagyo.

    “Ang bagyo ay hindi maiiwasan, ngunit sa kahandaan, mababawasan ang panganib ng sakuna.”pahayag ni PCPT TABO.

    (Source: Catanduanes PPO)

    Leave a Reply