Iriga: Kapitan sa Pili, Camarines Sur patay matapos na pagbabarilin; PNP patuloy ang pagtugis sa mga tumakas na salarin

0
9

Patay ang Punong Barangay ng San Juan, Pili, Camarines Sur matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin na nangyari kaninang alas-5:10 ng umaga ngayong June 5, 2025.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, habang nakaupo sa loob ng kanilang meatshop ang biktima na si Kapitan Nerio Brazal ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin na kaagad na tumakas matapos ang krimen.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan ng Pili PNP at naghahanap ng mga witness at mga CCTV Footages malapit sa pinangyarihan ng krimen para sa mabilis na pagkakakilanlan ng mga tumakas na salarin.

Samantala, ipinag-utos na ni Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) Provincial Director PCol. Virgilio Olalia Jr., sa mga malapit na Police Stations na kaagad na magsagawa ng dragnet, checkpoint at chokepoint operations para sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Source: PNP Kasurog Bicol

Leave a Reply