Iriga: Inclusive health rights para sa PWDs, mas pinalalakas ng DOH Bicol CHD, partners

0
5

“Walang pinipili ang serbisyong pangkalusugan. Lahat ay may boses sa lipunan. Lahat ay may pantay-pantay na karapatan at kapangyarihan upang magsilbi sa bayan. Dahil ang malusog na Bicolano ay matagumpay na Bicolano.”

Ito ang mensahe ng Department of Health Bicol Center for Health Development, sa pamumuno ni Regional Director Dr. Voltaire S. Guadalupe, sa isinagawang 2nd Bicol Summit on Health and Wellness Program for Persons with Disabilities (PWDs) noong July 23, 2026.

Sa temang “Rights First, Legislation Forward: Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development”, nagkaisa ang DOH Bicol CHD, Provincial Government of Albay, Persons with Disabilities Affairs Office, Physicians for Peace, Philippine Health Insurance Corporation at iba pang partners upang mas paigtingin ang pag-access ng mga PWDs sa mga serbisyong pangkalusugan.

Sentro ng summit ang pagpapalakas ng mga polisiya at support systems upang palawakin ang mga physical, psychosocial, at mental health services para sa PWDs. Nais nitong aksyunan ang mga suliranin sa implementasyon ng programa upang maiparamdam sa bawat PWD ang mga serbisyong pangkalusugan na mas inklusibo, abot-kamay, at hindi mabigat sa bulsa.

Ibinahagi rin ang mga PWD-friendly exercises at nutrition tips sa pag-iwas sa lifestyle-related diseases.

Bukod dito, pinaiigting ang data centralization ng Philippine Registry for Persons with Disabilities, isang online registry system sa paggawad ng PWD ID at pagpapatupad ng mga benepisyo tulad ng PhilHealth medical coverage at government-mandated discounts.

Mas pinatitibay ng DOH Bicol CHD at mga katuwang nito ang paghatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng isang integrated health network upang matugunan ang mga hadlang sa mga karapatan ng PWDs.

Source: DOH Bicol CHD

Leave a Reply