(Legazpi City, September 29, 2025) Umabot sa kabuuang 888 na empleyado ng kapitolyo ang tumanggap ng libreng serbisyong-medikal mula sa Provincial Health Office (PHO).
Ang inisyatibang ito ay sa pamamagitan ng ‘Albay In My Heart’ Health Caravan na layuning mailapit ang libreng health services para sa lahat ng empleyado ng PGA.
Ayon kay Mark C. Gumba, Medical Mission at Albay In My Heart Health Caravan Focal Person, mayroong kabuuang 888 na empleyado ang nagpakonsulta, 27 rito ang nag-avail ng dental checkup.
Mayroon namang 733 na empleyado ang nagpatest ng blood sugar, at 326 naman na empleyado ang nagparehistro para sa E-Konsulta.
Layunin naturang aktibidad na gawing mas produktibo ang work force ng Pamahalaang Lokal ng Albay.
Source: Albay PIO
