Iriga: Governor Boboy Hamor, agad na nagbigay ng tulong sa mga nasunugan sa Pilar

    0
    10
    photo credits to the owner

    Personal na binisita ngayong umaga ni Governor Boboy Hamor ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Banuyo, bayan ng Pilar. Agad niyang ipinaabot ang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na nagbigay ng ₱10,000 cash assistance, food packs, at mga kumot sa bawat pamilyang nasunugan.

    Ayon kay Governor Boboy, ito ay paunang tulong lamang mula sa kapitolyo upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga biktima. Bukod dito, personal din niyang iniabot kay Barangay Captain Mama Ne Lao ang ₱200,000 mula sa kanyang sariling pera upang ipambili ng pagkain para sa mga apektadong residente.

    Patuloy ang pagbabantay ng pamahalaang panlalawigan sa sitwasyon ng mga nasunugan upang matiyak na mabibigyan sila ng kinakailangang suporta sa kanilang muling pagbangon.

    (Source: Sorsogon PIO)

    Leave a Reply