Baguio City – Nagsimula na ang Public Order and Safety Division at ang iba’t ibang telecommunications company sa pagsasaayos ng mga nakalaylay na kawad at cable Ito ang sinabi ni ginoong Daryll Longid, ang pinuno ng Public Order and Safety Division (POSD) ang nangunguna sa clearing operation.
Sinabi ni ginoong Longid na sinimulan nila sa barangay Honeymoon bilang panimula. Noong nakaraang Pebrero a 28, ang pangkat ay natapos nila ang pagsasayos ng mga kawad sa Gen. Lim and M.H. Del Pilar bilang pagtatapos ng kanilang gawain sa central business district.
Samantala, nagpasalamat siya sa mga katuwang ng telcos sa kanilang pagsisikap at patuloy na tulong.” Kung inyong matatandaan, ipinag utos ni Mayor Benjamin Magalong noong nakaraang taon ang pagiging agresibong kampanya na isaayos ang mga nakalawit, nakalaylay at hindi magandang tignan na pampublikong utility wire sa lungsod upang tugunan ang kaligtasan ng publiko at ang nakakayamot problema. RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO-Baguio)
