Iriga: FSP Bikol, Isinagawa ang Unang Bahagi ng Monitoring ng mga Iskolar sa Rehiyon 5

    0
    8

    Isinagawa ng Fisheries Scholarship Program (FSP) Bikol ang in-campus monitoring ng mga iskolar sa apat na State Universities and Colleges (SUCs) sa rehiyon nitong Marso 2026, bilang unang bahagi ng monitoring and evaluation para sa ikalawang semestre ng School Year 2025–2026.

    Sinimulan ang aktibidad sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA)–Calabanga Campus, sinundan sa Partido State University (ParSU)–Sagnay Campus noong Marso 18-19, at ipinagpatuloy sa Bicol University Tabaco Campus (BUTC) at Sorsogon State University (SSU)–Magallanes Campus mula Marso 25 hanggang 27.

    Sa bawat kampus, nagsagawa ng talakayan kasama ang mga professor, dean, campus administrator at scholarship coordinators upang direktang matukoy ang mga hamon sa kanilang pag-aaral. Tinalakay ang kanilang mga academic standing, kasabay ng pagbabahagi ng kanilang mga awards, achievements at pakikilahok sa iba’t ibang aktibidad.

    Binigyang-diin sa monitoring ang agarang pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng mga iskolar, sa pamamagitan ng feedbacking sessions na nagbigay-linaw sa kanilang mga suliranin, partikular sa akademikong aspeto.

    Ang nasabing monitoring and evaluation ay mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng FSP alinsunod sa Fisheries Administrative Order No. 257-2, s. 2025, na naglalayong matiyak ang patuloy na pag-unlad, kapakanan, at tagumpay ng mga iskolar sa Bicol.

    Source: BFAR Bicol

    Leave a Reply