Iriga: DPWH handang tumulong sa mga LGU sa gitna ng pag-alburuto ng Bulkan Mayon

0
4

Nakahandang tumulong ang Quick response Team at asset ng DPWH sa mga local na pamahalaan sa lalawigan ng albay kung patuloy ang pag-taas ng aktibidad ng Bulkan.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, ipinag-utos na na niya sa DPWH Disaster and Incident Management Teams (DIMTs) ng Regional Office 5 at mga sakop nitong District Engineering Offices na binubuo ng 340 na kawani na maghanda sakaling kailangan nilang rumesponde.

Kabilang din sa kanilang inihanda ang mga quick response assets tulad ng mga trucks na ‘ready to mobilize’ sakaling magkaroon ng ashfall, mga sasakyan para sa clearing operations upang matiyak na lahat ng national roads ay madadaanan kung magkaroon ng mabilisang paglikas sa mga natitirang mga residente mula sa 7 km-8 km Permanent Danger Zone (PDZ).

Naglatag rin ang DPWH ng kanilang rerouting plan sakaling magkaroon ng aberya sa ibang mga kalsada. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: Albay PIO, photo credits to the owner)

Leave a Reply