Baguio: Marijuana eradication sa municipyo ng Kibungan, Benguet, matagumpay

0
8

Kibungan, Benguet – Matagumpay na ipinatupad ang internal security operation at marijuana eradication ng mga maykapangyarihan sa probinsiya ng Benguet noong linggo at ng lunes kahapon.

Nagresulta ito ng pagkakadiskubre ng 130 na kilos ng tangkay ng Marijuana sa Sitio Batangan, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet na nagkakahalaga ng P15,600,000. Ang mga tangkay ng marijuana ay natagpuan ng mga tauhan ng Benguet First Provincial Mobile Force Company.

Samantala sa Bakun, Benguet umaabot sa 320 piraso ng ganap na laki ng tanim na marijuana ang binunot sa Sitio Uwasan, Barangay Kayapa, Bakun, Benguet.

Nagkakahalaga ang mga tanim na Marijuana ng P64,000. Ang mga ito ay binunot ng pinagsamang tauhan ng Bakun Municipal Police Station at PNP Special Action Force.

Ang mga tangkay ng marijuana at mga ganap na laki ng Marijuana ay sinunog sa lugar kung saan ang mga ito ay natagpuan. (Joel Cervantes, photo courtesy of Kibungan MPS)

Leave a Reply