Iriga: DOH Bicol nagpaalala sa mga sakit na pwedeng makuha ngayong tag-init

0
5
(Photo courtesy of PNA)

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) Bicol sa publiko sa mga sakit na pwedeng makuha ngayong tag-init.

Sinabi ni Dr. Mildred Tianes, Medical Officer III ng DOH Bicol, dahil sa nararanasang sobrang init ng panahon ay maraming sakit ang pwedeng makuha kung hindi mag-iingat.

Isa na umano rito ang sakit na nakukuha sa pagkain at tubig dahil sa kakulangan ng malinis na inuming tubig.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Tianes ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at uminom ng sapat at malinis na tubig. (Emman Lumapag)

Leave a Reply