Iriga: 65M halaga ng ilegal na droga nasamsam ng PNP Bicol sa unang quarter ng 2024

0
6
(Photo credits to the owner)

Aabot sa 65 million pesos ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police sa Bicol sa kaliwat’t kanang operasyon nito sa unang quarter ng 2024.

Sa datus ng PNP Bicol, kabuuang Php 65,001,809.49 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon sa rehiyon kasabay ng pagkakakasamsam ng 17,431.30 gramo ng marijuana; 9,221.82 gramo ng shabu; at 40 gramo naman ng cocaine sa nasabing operasyon laban sa ilegal na droga.

Aabot naman 389 ang naaresto sa 368 na operasyon habang ang 519 kaso ay naisampa na sa korte.

Kaugnay nito, arestado rin ang 1,205 naaresto sa isinagawang manhunt operation na kinabibilangan ng 52 regional, 28 provincial, 24 city, 168 municipal, at 933 iba pang wanted persons. (Emman Lumapag)

Leave a Reply