Iriga: DA Bicol: Presyo ng karneng baboy at manok dati pa rin

0
14
(Photo credits to the owner)

Walang naitalang pagtaas ng presyo ng karneng baboy at manok sa Bicol, ayon sa Department of Agriculture (DA) sa rehiyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni DA Bicol Spokesperson Lovella Guarin, patuloy ang kanilang monitoring sa mga merkado upang makita ang sitwasyon kung may paggalaw sa presyo ng mga nasabing produkto.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Guarin ang mga may-ari ng mga poultry farms na dapat siguraduhing maganda ang bentilasyon ng mga kulungan ng mga manok sa gitna ng nararanasang sobrang init ng panahon. (Emman Lumapag)

Leave a Reply