Saturday, May 4, 2024

Iriga: 21 kaso ng pertussis nairehistro ng DOH Bicol

- Advertisement -

21 na kaso ng nakahahawang sakit na pertussis ang nairehistro ng Department of Health (DOH) simula Enero 1 hanggang Abril 7, 2024.

Siyam (9) na kaso ng sakit ang naitala mula sa Camarines Sur, anim (6) sa Albay, lima (5) sa Sorsogon at isa (1) sa Masbate, ayon sa datus na ipinalabas ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH Bicol.

Dagdag pa ng ahensya, 6 sa mga kaso ang laboratory confirmed habang 15 ang mula naman sa clinical case.

Mas kilala sa whooping cough, ang pertussis ay ubong kadalasang nagmumula sa mga bata na lubhang nakahahawa at pwede pang magresulta sa kamatayan kung hindi agad maaagapan.

Ilan sa mga sintomas ng sakit ay ang sipon, lagnat, at pag-ubo ng hanggang sa dalawang linggo. Nakahahawa ito sa paagi ng droplets mula sa ubo o pagbahing.

Kung nakararanas ng alinman sa mga sintomas, sinabi ng DOH na agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center upang agad na mabigyan ng atensyon medikal.

Upang makaiwas sa nakahahawang sakit, ugaliing maghugas ng kamay at magsuot ng facemask sabi pa ng DOH. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img