Iriga: COVID-19 Cases Sa Bicol Pumalo Na Sa Mahigit 42k Matapos Madagdagan Ng Halos 500 Nitong Weekend

0
216

Bicol Region – Sumampa na sa 42,050 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 481 na mga bagong kaso nitong weekend.

232 ang nadagdag noong Sabado habang 249 naman nitong Linggo kung kaya pumalo na rin sa 13,398 o 31.86% ang bilang ng aktibong kaso ng sakit.

Sa pinakahuling ulat kahapon, nagtala ng pinakamaraming kaso ang lalawigan ng Albay na umabot sa 67 kung saan 17 nito ay mula sa Legazpi City, 15 sa Daraga, siyam sa Ligao City, lima sa Guinobatan, tig-apat ang Polangui at Tabaco City, tatlo sa Malilipot, tigdadalawa ang Bacacay, Pio Duran, Sto. Domingo at Tiwi at tig-isa ang Camalig at Rapu-Rapu.

Ang Camarines Sur ay nagtala ng 65 na bagong kaso kung saan 35 nito ay mula sa Naga City, siyam sa Nabua, tigtatlo ang Buhi at Libmanan, tigdadalawa ang Calabanga, Iriga City at Pili at tig-iisa ang Bato, Bombon, Bula, Cabusao, Canaman, Del Gallego, Goa, Milaor at Pamplona.

45 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 12 nito ay mula sa Sorsogon City, walo sa Gubat, tig-anim sa Bulan at Irosin, apat sa Pilar, tigdadalawa ang Juban, Magallanes at Prieto Diaz at tig-iisa ang Casiguran, Donsol at Sta. Magdalena.

52 ang naitala sa Catanduanes kung saan 25 nito ay mula sa Virac, pito sa Caramoran, tiglima ang San Miguel at Viga, apat sa Bagamanoc, tatlo sa San Andres, dalawa sa Pandan at isa sa Bato.

19 ang bagong kaso sa Masbate kung saan tigtatatlo ang Aroroy, Masbate at Mobo, tigdalawa ang Cataingan at Uson at tig-iisa ang Baleno, Batuan, Monreal, Palanas, San Jacinto at San Pascual habang isang kaso naman ang naitala mula sa labas ng Bicol, galing ito sa Taytay, Rizal.

Samantala, pumalo na sa 27,381 (65.12%) ng total recoveries matapos madagdagan ng 158 kung saan 47 nito ay mula sa Camarines Sur, 26 sa Sorsogon, 25 sa Catanduanes at tig-20 ang Camarines Norte, Masbate at Naga City.

Pumalo na rin sa 1,271 (3.02%) ang death toll matapos magtala ng sampong panibagong nasawi nitong Linggo kung saan lima nito ay mula sa Camarines Sur , tatlo sa Naga City at dalawa sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

(Source: DOH CHD Bicol)

Leave a Reply