29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Iriga City At Bayan Ng Pili, Pinakamaraming Aktibo At Kumpirmadong Kaso Ng COVID-19 Sa Camarines Sur; Pagtaas Ng Kaso, Dahil Umano Sa Pinaigting Na Active Case Finding Strategy Ng Provincial Government

- Advertisement -

Iriga City  Nangunguna ang lungsod ng Iriga na sinusundan naman ng Pili sa mga lugar sa Camarines Sur na may pinakamataas na bilang ng kumpirmado at aktibong kaso ng COVID-19.

Base ito sa tala ng Environment, Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO as of April 13, 2021.

Ang Iriga City ay nakapagtala na ng 222 na kabuuang kumpirmadong kaso, 21 dito mga aktibo, 190 naman ang nakarekober habang 11 naman ang binawian ng buhay.

Sa Pili, 160 ang total confirmed COVID-19 cases, 28 ang active, 128 ang recoveries at apat naman ang mga namatay.

Pumapangatlo naman sa mga bayan na may mataas na kaso ang Nabua na may 109 kabuuang kaso, 24 dito ang nananatiling aktibong, 83 ang mga gumaling habang dalawa naman ang namatay.

Nakapagtala din ng 94 na COVID-19 infections a ng Canaman, 22 ang aktibo, 69 ang mga nakarekober habang tatlo naman ang mga namatay.

Sa Baao, may 88 kabuuang kaso na ang naitatala doon, tatlo sa mga ito ay nagpapagaling pa, 78 naman ang nakarekober at pito naman ang mga namatay.

Paliwanag ng EDMERO Camarines Sur, ang patuloy na pagtaas ng bilang na naitatala sa lalawigan ay dahil sa pinaigting na active case finding strategy ng Provincial Government sa pamamagitan ng mass testing gamit ang antigen test kit.

Ang antigen mass testing isa sa mga priority COVID-19 response program ng Pamahalaang Panlalawigan sa Del Gallego Border, workplaces at sa mga lugar na may mataas na infections.

Sa pamamagitan rin daw ng early detection na ito, ay naiiwasan na makarating at makahawa pa sa komunidad ang mga pasyenteng nagpopositibo sa naturang pagsusuri.

(Source: EDMERO Cam Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -