33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Iriga: Bulaklak munting handog ng PNP Nabua para sa mga mahal nating guro ngayong Araw ng mga Puso

- Advertisement -

Kahapon Araw ng mga Puso, ipinamalas ng PNP Nabua sa pangunguna ni PSSg Marlon P Gallarte, PCAD PNCO, sa pangangasiwa ni PLTCOL PAUL DM CABUG, COP, ang kanilang maalab na pagbati ng pagmamahal sa bawat kaguruan ng Madawon, Bustrac, at Santiago Young Elementary School. Matamis na ngiti at bulaklak ang handog ng Kapulisan ng Nabua sa mga butihing guro ng nasabing paaralan.

Ang layunin ng gawaing ito ay upang maipadama ng kapulisan sa kaguruan ang taos-pusong pasasalamat sa mga sakripisyo, dedikasyon at walang sawang paggabay sa mga mag-aaral sa kabila ng lahat ng paghihirap na nararanasan, at higit sa lahat, sa mga gabing ginagawa nang araw matapos lang ang inyong gawain. Ito rin ay bahagi ng MKK=K program ng PNP.

Kaisa ang kapulisan sa mga programang ipinapatupad ng DepEd. Handa at susuporta ang PNP Nabua sa inyong adhikain para sa mga batang Nabueño. (Jv Navarro Verdeflor Jr via Nabua Mps Csppo, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -