Tuesday, May 7, 2024

Baguio: Pagkolekta ng basura sa Atok, Benguet meron na itong schedule

- Advertisement -

Atok, Benguet – Hinihiling ng lokal na gobierno ng Atok ang kooperasion ng mga mamamayan doon upang mapanatiling malinis ang kapaligiran doon.

Nananawagan din sila sa mga biahero na dumadaan doon na maging disiplinado at responsable sa mga basura nila at iwasan nila ang pagtatapon ng mga ito sa mga kalsada. Ito ay kasunod ng pagpapalakas ng kampanya nila sa solid waste management na kung saan ay mayroon silang ipapalabas na nakatakdang schedule para sa garbage collection sa Atok.

Ayon kay Konsehal Johara Balang, noong nakaraang taon ay nagsagawa sila ng garbage collection doon kasabay ng pagsasagawa nila ng Information Education Campaign (IEC) sa mga iba’t ibang barangay.

Kamakailan lamang, nakatanggap ang LGU-Atok ng bagong garbage truck kung saan ay makakakolekta na sila ng basura at dinadala ito sa Km. 25 Caliking, Atok, Benguet.

Idinagdag na ng naturang opisyal na noong nakaraang buwan ng Disyembre ay dinadala pa sa Capas, Tarlac ang umaabot sa 3.72 toneladang naipon na basura.

Magkaganon man, sinabi niya na inaasahan nila sa sandaling makita na nila ang binili ng LGU-Atok na baler machine at glass polbolizer at ang multipurpose shredder ay hindi na kailangang dalhin pa ang mga basura sa Tarlac. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Atok)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img