Iriga: Bicol Shield ng Police Regional Office 5, Activated na kasunod ng ‘Heightened alert status’ sa bansa

    0
    17

    Inanunsyo ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang activation ng Bicol Shield, kasunod ng pagtaas ng alerto sa buong bansa sa ‘heightened alert status’ ng Philippine National Police (PNP) matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

    Ayon kay PBGEN Andre Perez Dizon, ang Regional Director ng PNP Bicol, umaabot sa humigit-kumulang 10,000 PNP personnel ang kasalukuyang nakadeploy sa anim na probinsya ng Bicol. Ito ay bahagi ng proactive security measures upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa buong rehiyon. Aniya, maigiting din ang isinasagawang motorcycle at bicycle patrol sa mga kalsada upang magbigay ng proteksyon at siguridad sa publiko.

    Dagdag pa niya, hindi rin tumitigil ang mga checkpoints at police visibility sa mga pangunahing daan. Kaugnay nito, ‘No leave’ ngayon ang mga tauhan ng PNP Bicol hanggang matapos halalan sa Mayo.

    Hinimok ni PBGen Dizon ang mga Bicolano na manatiling kalmado at patuloy na makinig sa mga opisyal na pahayag mula sa gobyerno upang makakuha ng tamang impormasyon.
    Source: PNP Kasurog Bicol

    Leave a Reply