Iriga: LGU-Aroroy, Masbate nagdaos ng Buntis Congress 2025, iba’t-ibang gamit pang buntis ipinamahagi

0
13

Aroroy, Masbate – Para sa kapakanan ng mga nagdadalantao, isinagawa kahapon (March 11) ng LGU-Aroroy, Masbate ang Buntis Congress 2025 sa pangunguna ng Municipal Health Office ng nasabing lokal na pamahalaan, ang nasabing kaganapan ay idinaos sa pakikipagtulungan ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project.

Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, dumalo rito ang animnapung (60) buntis mula sa anim na barangays na tinuturing o na-identify na nasa panganib habang nagdadalantao bunsod sa iba’t-ibang kadahilan tulad ng nutritionally at risk, low BMI, dumaranas ng co-morbidities tulad ng hypertension, diabetes at iba pa, dumalo rin dito ang napabilang sa hanay ng teen-age pregnant women.

Sumentro ang talakayan sa pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga dumalo tulad ng, safe motherhood, family planning, immunization, newborn care, at tamang nutrisyon habang nagdadalantao.

Samantala napasakamay din ng mga dumalong buntis ang iba’t-ibang gamit tulad ng OB KITS, supplements and medicines, mga kailangang gamit habang nagbubuntis at post-pregnancy items, ayon pa rin sa ulat, ang nasabing gawain ay kabilang sa iHELP 5-point agenda ni Aroroy Mayor Arturo Virtucio.

Source: PIA Masbate

Leave a Reply