33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Iriga: Bicol Region, nagtala ng zero new case, 72 recoveries at 21 deaths sa covid-19 kahapon

- Advertisement -

Bicol Region – Muling nagtala ng zero new case sa covid-19 ang rehiyon, base sa latest report ng Department of Health – DOH-Bicol.

Visit RPN DZKI Iriga

Wala umanong nag test positive sa mga specimens na ipinadala sa mga laboratoryo sa rehiyon kung kaya’t nakapako ngayon sa 59,020 ang cumulative cases ng sakit sa rehiyon.

Umabot naman sa 72 ang naitalang mga bagong nakarekober sa sakit daan para umakyat sa 55,590 aang total recoveries.

Samantala, iniulat din ng ahensya ang pagkakarehistro ng 21 bagong pagkamatay sa sakit na lahat ay nagmula sa lungsod ng Naga.

Paliwanag ng DOH-Bicol, ito ay late report nang maituturing at resulta umano ng isinagawa nilang pagbeberipika sa pamamagitan ng data reconciliation.

Bunsod naman nito, pumapalo na sa ngayon sa 2,311 ang kabuuang bilang ng mga nasasawi sa rehiyon dahil sa coronavirus.

(Source: DOH Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -