Iriga: BHWs, health partners kinilala sa selebrasyon ng World Immunization Day

0
5
photo courtesy of DOH Bicol CHD

Sa isinagawang selebrasyon ng World Immunization Day, nitong Martes ika-23 ng Abril sa La Piazza Hotel and Convention Center, binigyang pagkilala ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol) ang mga Barangay Health Worker (BHW), mga katuwang na ahensiya, at organisasyon sa pakikiisa at patuloy na pagsuporta sa mga programa ng gobyerno sa pagbabakuna.

“…when we talk of the 95% target hindi lang po yan target ng DOH, target po nating lahat yan,” saad ni Dir. Lorra Angelia D.C. Saysaon-Garcia, MSC, Director IV, Health Promotion Bureau, Department of Health.

Dagdag pa niya na importante at malaki ang kontribusyon ng mga BHWs at Health Promotion and Education Officers (HEPOs) sa pagkamit ng vaccination coverage at pagkumbinsi sa bawat pamilya na magpabakuna.

Binigyang diin naman ni Dr. Desiree Bricenio, National Immunization Program Coordinator ng DOH Bicol, ang kahalagahan ng pagbabakuna upang maprotektahan ang mga bata sa vaccine-preventable diseases.

Matatandaang nasa 95% ang target vaccination coverage rate ng mga fully-immunized children (FIC) sa Bicol at patuloy ang mga programa ng DOH Bicol katuwang ang mga local government units (LGUs) at health partners sa pagbibigay ng tama at angkop na impormasyon tungkol sa bakuna.

Hinikayat ni OIC Regional Director, Dr. Rodolfo Antonio M. Albornoz, ang mga magulang at tagapagalaga na siguraduhing natatanggap ng mga bata ang kinakailangang mga bakuna ayon sa kanilang iskedyul mula pagkasilang nito.

Ang World Immunization Day ay isang aktibidad ng Kagawaran ng Kalusugan upang ipagdiwang ang 50 na taon ng Essential Programme On Immunization (EPI), pati na rin ang mahahalagang progreso na naibigay nito sa pagliligtas at pagprotekta sa kalusugan ng tao. (DOH5/NRB)

(Source: DOH Bicol CHD)

Leave a Reply