Iriga: Balidasyon ng mga pamilyang nasa loob ng 6km PDZ para sa tuluyang relokasyon, nagpapatuloy

    0
    8
    photo courtesy of Albay PIO

    Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang balidasyon ng Pamahalaang Lokal ng Albay sa mga pamilyang nasa loob pa rin ng 6km permanent danger zone (PDZ) para sa tuluyang relokasyon.

    Ito ang kinumpirma ni Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) head Dr. Cedric Daep makaraan ang isinagawang pulong kasama si Australia’s Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT) Counsellor Peter Adam.

    Ayon kay Daep, sa kanilang pagtataya, nasa 709 na mga pamilya ang kailangang i-relocate mula sa 6km PDZ.

    Dagdag pa ni Daep, ang permanenteng relokasyon na ito ay bahagi ng long-term solution na binalangkas ng Pamahalaang Lokal ay bahagi ng 2023 Mayon Resilient, Recovery, and Rehabilitation Plan (M3RP).

    Sa pinakahuling datos ng APSEMO nitong ika-7 ng Hulyo mula sa nagpapatuloy na balidasyon, mayroon ng 333 na pamilya o 1,194 na indibidwal ang na-aydentipika mula pa lamang sa Lungsod ng Tabaco, at Bayan ng Malilipot na kinabibilangan ng 607 na mga lalaki, 560 na mga kababaihan, 1,167 na mga bata, 18 mga Persons With Disabilities (PWDs), at 68 na mga senior citizens.

    (Source: Albay PIO)

    Leave a Reply