Monday, May 6, 2024

Iriga: Bagong protocol para sa mga umuuwing OFW’s, ipinaliwanag ng OWWA Bicol

- Advertisement -

Iriga City – Sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya, inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration Bicol na nagsimula nang bahagyang magluwag ang ilang mga travel restrictions dahilan upang tumaas muli ang deployment ng mga OFWs gayundin ang kanilang pag uwi.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay OWWA-Bicol OIC-Regional Director Jenivie Aguallo, kasagsagan ng pandemya noong 2020 ng maitala ang pinakamaraming bilang ng mga na-repatriate na OFWs matapos na magsara ang maraming mga negosyo sa ibang bansa kung saan mayorya ay mula sa food and tourism industry.

At makalipas ang halos isang taon ay na-monitor ng OWWA ang muling pagtaas ng deployment gayundin bumaba na rin umano ang aplikante para sa mga livelihood assistance na isa umanong magandang sensyales para sa ahensya.

Samantala, mayroon umanong bagong protocol para sa arriving workers na sinimulan lamang na ipatupad ngayong Pebrero.

Una ay ang para sa mga fully-vaccinated returning OFWs kung saan, kahit saan bansa pa ito nagmula tanging RT-PCR test result na valid within 48 hrs upon the date of arrival at hindi sasailalim pa sa quarantine.

Habang para naman sa mga unvaccinated o partially vaccinated OFWs, kailangan na lamang na matapos ang 5 araw na mandatory quarantine at sumailalim sa RT-PCR testing sa huling araw.

Gayunpaman, binigyang-diin ng opisyal na lahat ng mga ito ay sasailalim pa rin sa home quarantine at self-monitoring para na rin masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan gayundin nang mga uuwiang mahal sa buhay.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img