Iriga: APSEMO, PEO,magsasagawa ng inspeksyon sa Sto. Domingo kasunod ng sunod-sunod na pagyanig kahapon- Gob. Rosal

0
1

Inanunsyo ni Albay Governor Noel Ebriega Rosal na agad na magsasagawa ng inspeksyon ang Albay Public Safety and Emergency Management Office ngayong umaga kasunod ng naramdamang mga pagyanig kagabi sa bayan ng Sto. Domingo.

Ayon kay Rosal, ito ay upang matukoy ang aktuwal na pinsala kasunod ng sunod-sunod na lindol na tumama kung saan ang nasabing bayan ang napaulat na epicenter ayon sa opisyal na datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Batay aniya sa mga inisyal na report na nakalap on-the-ground, mayroong mga lugar na nagkapagtala ng pinsala o minor damages sa mga kabahayan.

Kasunod nito, agad namang nakipag-ugnayan ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa Provincial Engineers Office (PEO) para magpadala ngayong araw ng 6 hanggang 7 na engineer na magsasagawa ng inspeksyon sa mga istruktura.

Kasabay ng nasabing inspeksyon ay magkakaroon aniya ng Rapid Damage and Needs Assessment upang matukoy ang nangangailangan ng agarang tugon para sa kaligtasan ng mga residente.

Source: Albay PIO

Leave a Reply