Iriga: Aplikasyon sa Fisheries Scholarship Program, bukas na para sa mga nais maging Iskolar

0
22
Photo Credit: BFAR via PNA

Binuksan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang aplikasyon para sa Fisheries Scholarship Program(FSP).

Ang FSP ay isang programa na nagbibigay ng scholarship sa mga kwalipikadong incoming grade 12 ngayong Agosto 2024.

Ang scholarship na ito ay para sa mga kukuha ng kurso na Bachelor of Science in Fisheries sa loob ng apat na taon,simula 2025-2029. Magkakaroon ng National Qualifying Examination sa Oktubre para sa lahat ng estudyanteng nais maging iskolar.

Bukas ito para sa mga aplikante na kabilang sa tatlong component kagaya ng Fisherfolk Children Educational Grant(FCEG) o estudyante na ang mga magulang o tagapag-alaga ay rehistradong mangingisda; Fisheries Industry Leaders Grant(FILG) para sa mga estudyante na With Honors o estudyante na kabilang sa honor roll ng klase; at Indigenous Cultural Communities(ICCs) / Indigenous Peoples(IPs) para sa mga estudyante na ang mga magulang ay nabibilang sa ICCs o IPs na kinikilala ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Upang makapasok sa pagiging skolar, dapat ipinanganak na Pilipino, incoming Grade 12 ngayong pasukan, Agosto 2024 (o high school graduate sa old curriculum na hindi pa nag enrol sa college), hindi hihigit sa 25-anyos sa araw ng qualifying exam, may General Weighted Average (GWA) ay hindi bababa sa 80%, at ang mga magulang o taga pangalaga ay residente ng Bikol sa nakalipas na anim na buwan.

Maraming benepisyo ang pwedeng ma-avail bilang isang skolar ng BFAR tulad ng libreng matrikulasyon, buwanang allowance na nagkakahalagang P5,000, book allowance bawat semestre na P2,000, OJT Support na P3,000, Research/ Thesis/ Special Problem Support P7,000, at Graduation Support P1,500.

May mga monetary award pa para sa mga Graduating scholars na may Academic Distinction: P50,000.00 para sa magtatapos ng Summa Cum Laude, Magna Cum Laude na P30,000.00 at P20,000.00 naman para sa magtatapos na Cum Laude.

Maliban pa dito, may insentibo rin para sa mabibilang sa TOP 10 Board Passer ng Fisheries Technologist Licensure Examination.

Makukuha ang application form online sa pamamagitan ng

FCEG: https://bit.ly/FCEG5
FILG: https://bit.ly/FILG5
ICCs/IPs: https://bit.ly/ICCIPs5

Maaari din magapply online gamit ang link sa baba:
http://fsp.bfar.da.gov.ph/#/login

Para sa karagdagang impormasyon at mga requirements, maaaring makipag ugnayan sa BFAR Regional FSP Team sa mga numerong ito: 09954983464 / 09944467608.

(Source: BFAR – Bicol)

Leave a Reply