Naglaan ng P2 million ang Albay Provincial Agricultural Office (APAO) bilang inisyal na tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng pinsala ni Tropical Storm (ST) Kristine sa Albay.
Ayon kay Cheryll O. Rebeta, Provincial Agriculturist, ilalaan ang nasabing halaga sa pagbili ng mga cash crops, vegetable seeds tulad ng pechay, okra at string beans na ibibigay sa mga magsasaka.
Kasalukuyan ding namamahagi ng mga palay seeds ang opisina para sa dry season na maaari nang itanim kapag humupa na ang tubig sa mga sakahan.
Bukod pa dito ay nasa proseso na din ang tulong na Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks Program, kung saan mabibigyan ng P10,000 ang bawat apektadong magsasaka mula sa tanggapan ng pangulo.
Matatandaang naitala sa damage assessment ng APAO ang nasa 5,073 na mga apektadong magsasaka sa pananim na palay, 103 sa mais at 1,636 sa High Value Crops Development Program (HVCDP).
Samantala, tiniyak naman ng opisyal ang buong suporta ng departmento sa mga magsasakang lubhang naapektuhan ng bagyo sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailan ng mga ito.
(Source: Albay PIO)
