Ibinahagi ng Albay Provincial Agricultural Office (APAO) ang matagumpay na mga programa at inobasyon nito sa agrikultura sa isang selebrasyon para sa Philippine Agriculturist Month 2025.
Ang selebrasyon ay ginanap nitong ika-18 ng Hulyo sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa bayan ng Pili, sa Camarines Sur.
Sa ilalim ng temang, “Filipino Agriculturist: Agents of Transformative Agriculture towards Sustainable Food System,” kinilala ang mahalagang papel ng mga agriculturists sa pagpapatatag ng isang sustenableng food system sa bansa.
Pinangunahan ni Provincial Agriculturist Cheryll O. Rebeta ang delegasyon ng lalawigan kung saan isa sa mga binigyang-diin niya ang mga programa sa climate-resilient farming at agribusiness development na direktang sumusuporta sa mga lokal na magsasaka, maging sa mga komunidad.
Samantala, dumalo rin sa pagtitipon ang mga dedikadong agriculturists mula sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) at iba pang mga opisyal mula sa APAO.
Source: Albay PIO
