Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level ng Bulkang Mayon alas kuwatro ngayong hapon.
Mula sa Alert level 0 ay Alert level 1 na ito. Ito ay dahil raw sa nakitang pagbabago sa aktibidad ng bulkan. “Daily visual and camera monitoring of the summit crater revealed that the remnant lava dome emplaced towards the end of the 2018 eruption has undergone a change in morphology and slight extrusion by approximately 40,000 m3 between 6 June and 20 August 2022”, ayon sa PHIVOLCS.
Pinapa-alalahanan ang publiko na mag-ingat dahil possible ang mga phreatic explosion anumang oras, gayundin ang pagpasok sa 6-km permanent danger zone. Ang mga residente na nakatira malapit sa mga river channels ay pinag-iingat rin lalo na kung may mga malakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng lahar flow.
(Source: PHIVOLCS | Bicol PH)